I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGING ang aktor na si Michael de Mesa eh biktima rin ng fake news na namatay na siya.
Umalma si Michael sa hoax na ito sa kanya at naglabas na siya ng pahayag sa social media na siya eh buhay na buhay.
Ang beterang actress na si Rosa Rosal ang pinakalat na namatay na umano! Kaya naman ang nananahimik na anak niyang si Toni Rose Gayda, nagpasabog ng pahayag at lalo na kung sinong tao ang nagkakalat sa kamatayan umano ng ina, huh.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com