I-FLEX
ni Jun Nardo
WOW naman itong si Chie Filomeno, huh! Wagas na wagas kung makapag-demand at magsabing, public figure man siya eh hindi naman siya public property, huh.
Eh wala ka pa nga sa kategoryang public figure, sasabihin mo pang hindi ka public property. The nerve! As if naman superstar na superstar ang estado mo sa showbiz.
Naku, huwag mong i-divert ang issue. Ikaw ang may kasalanan sa hiwalayan ninyo ni Jake Cuenca, why tell us na tumigil? Ikaw ang nagsimula at ipinangalandakan ang bago mong kaulayaw, so kami lang ba sa media ang naglalabas ng tungkol sa ginawa mo kay Jake?
Sorry, mas mahal ng media si Jake dahil sa magandang pakikitungo niya. Eh ikaw?
Wala ka namang itinanim na maayos na pakikisama, so kung anong gawin mo, ire-report namin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com