INILUNSAD ng McarsPh ang Agents Platform, isang digital system na nag-uugnay ng car buyers sa verified sales agents mula sa iba’t ibang dealership sa buong bansa.
Ang bagong platform na ito ay ang mga sumusunod:
Verified Agents – Tanging beripikado at akreditong seller ang makakausap ng buyer.
Malawak na Network – May access sa iba’t ibang brand at modelo, mula entry-level hanggang premium cars.
Madaling Komunikasyon – Real-time na quotes, promos, financing deals, at madaling paghahambing ng options.
Benepisyo para sa Agents – Mas malawak na reach, mas mabilis na sales, at mas propesyonal na online presence.
Ayon kay CEO Jed Manalang, layunin nitong gawing simple at malinaw ang car-buying process habang binibigyan ng digital advantage ang agents.
Ang website ay ginawa ng Socio Company na pinamumunuan ni Josh Mojica. Sinuportahan din ang McarsPh ng businessman at social media influencer na si Boss Toyo at MMDA Chief of Operation na si Mr Gabriel Go bilang kanilang mga ambassador.
Sa pamamagitan nito, itinataguyod ng McarsPh ang mas modernong, customer-friendly, at tech-driven automotive marketplace sa Pilipinas. (Allan Sancon)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com