I-FLEX
ni Jun Nardo
BIGAY na bigay si Gladys Reyes sa eksenang hinuhuli siya ng mga lumabas na pulis sa GMA series niyang Cruz vs. Cruz.
Nagpupumiglas sa video si Gladys na hinuhuli ng mga pulis. Nang makakawala ang primera kontravida, pinagsasampal niya nang sunod-suno ang lumabas na pulis ng walang puknat, huh!
Parang nadala masyado si Gladys sa ginawa niya sa mga pulis. Agad siyang humingi ng sorry sa mga ito.
“Pampagising! Alas dose na!” narinig na tinuran ni Gladys habang hawak-hawak ng ilang pulis ang kanilang pisngi dahil sa totohanang sampal ni Gladys!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com