Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Ongchuan, Daza at ang political dynasty sa Northern Samar (Part 2)

SIPAT
ni Mat Vicencio

“THE Philippine Constitution, specifically Article II, Section 26, prohibits political dynasties by mandating that the State guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Malinaw sa Saligang Batas na ipinagbabawal ang pag-iral ng dinastiyang politikal ngunit hangga’t walang pinagtitibay na batas na magpapatupad nito, magpapatuloy lamang ang pagdami ng mga magkakamag-anak na mahahalal sa tuwing sasapit ang eleksiyon.

Sa kasalukuyan, hindi iilang panukalang batas ang nakaburo sa Kamara at Senado na naglalayong tuluyang buwagin ang political dynasty na patuloy na naghahari sa kani-kanilang probinsiya sa larangan ng politika.

Paliwanag sa proposed bill ni Senator Kiko Pangilinan: “The bill is intended to ‘level the playing field’ in politics, strengthen democratic processes, and ensure that political power does not remain concentrated among privileged few.”

Ang SB No. 35 o ang ‘Anti-Political dynasty Act of 2025’ ni Senator Ping Lacson ay nagbabawal sa asawa o sa isang tao na may kaugnayan sa loob ng ikalawang antas ng dugo o pagkakaugnay sa isang nakaupong humihingi na muling mahalal na tumakbo sa parehong lungsod o lalawigan sa parehong halalan.

Sa Northern Samar, hindi lang ang pamilyang Daza ang kasalukuyang namamayagpag sa usapin ng politika kundi pati ang angkan ng Ong at Ongchuan na sa mahabang panahon ay hawak ang pangalawang distrito ng lalawigan.

Ang pamilyang Ongchuan at Ong ay kabilang sa iisang pamilya o angkan.

Taong 1987 nagsimulang lubos na makilala ang pamilyang Ong nang unang mahalal bilang kongresista si Jose “Jun” Ong Jr., ng 2nd district ng Northern Samar. Matapos ang termino ni Jun, kaagad na pumalit si Emil Ong sa kanyang puwesto noong 2007.

Sa pagpasok ng 2016, ang anak naman ni Emil na si Edwin Ongchuan ang nanalo sa pagka-kongresista sa Northern Samar. Mapapansin si Edwin ay gamit na ang apelyidong Ongchuan at hindi Ong.

Muling nagbalik sa Kongreso si Jun noong 2019 at pinalitan ni Harris Ongchuan noong 2022. Si Harris ay pinsan ni Edwin. Ngayon 2025, nahalal si Edwin bilang congressman ng Northern Samar.

Ang magpinsang sina Edwin at Harris ay nagpapalitan lang ng puwesto sa pagka-gobernador at pagka-kongresista kapag natatapos ang kani-kanilang termino.

Nariyan din si Madeleine Ong na naging gobernador noong 1998 at si Jun na naging gobernador noong 2013.  Halos limang pangalan ng angkang Ong at Ongchuan ang patuloy na humahawak ng politika sa Northern Samar.

Hindi pa kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya na maaaring nahalal din bilang board member, mayor o konsehal nitong nakaraang 2025 elections.

Bagamat malayang makalalahok sa halalan ang angkan ng Ong at Ongchuan, sana naman magkaroon din ng pagkakataon ang ibang waray-waray na makapagsilbi nang tapat sa Northern Samar.

Kablasanon pukaw na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …