Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Side A Neocolours APO

Innervoices handang makipagsabayan sa Side A, Neocolours, at APO

HARD TALK
ni Pilar Mateo

INI-REQUEST ko na kantahin ng bokalista ng Innervoices ang Please Don’t Ask Me ni John Farnham.

Ang mensahe ng kantang ‘yun ay sa damdaming sinisikil ng isang tao para sa kanyang napupusuan. Hindi masabi-sabi. Ang taas ng mga tonong hinihirit ng kanta kaya raramdamin at nanamnamin mo ang gusto nitong ipahiwatig.

Nakanta na ito ng mga sikat nating singer. At sa Innervoices, iyon ang naisip kong i-request kay Patrick Marcelino.

Naghintay pa ako ng isa pa uling gig para ito mapakinggan. Dahil siyempre inayos ni Atty. Rey Bergadona lider ng banda at nasa keyboard ang babagay na tono para kay Patrick.

The audience was awed at nagtitilian to the max kasabay ng masigabong palakpakan nang banatan na ito ng bokalista.

Ganyan ang Innervoices. Sinisigurong  handa sila sa mga kantang inire-request para i-cover nila.

Na nagagawa nila matapos na kantahin ang mga orihinal nilang piyesa. 

Kabilang sa mga bago nilang awiting Meant To Be, Galaw, Idlip, at Tubig, Hangin, Apoy, Lupa (T.H.A.L.), Sayaw sa Ilalim ng Buwan, Handa Na Kitang Mahalin at may mga bago uli.

Hindi lang kay Patrick nakatuon ang pansin ng sumusubaybay sa bawat gig nila. Hindi rin matingkala ang tilian at palakpakan kapag pinaiyak na ni Rene Tecson (lead guitar) ang kanyang instrumento. Gayundin kay Alvin Herbon (bass guitar) at Joseph Cruz (second keys) na kumakanta rin at pagpalo sa drums ni Joseph Esparrago

At 1992 to the present. Apat na bokalista na ang sumalang. Sumasabay sa ikot ng panahon. Kaya naman hindi matawaran ang estilo nila sa pagkanta at paghahatid ng saya.

Ang maganda pa sa grupo, patuloy silang sinasabayan ng mga umalagwa na sa kanilang genre. Buma-back-to-back sa kanila ang Side A, Neocolours, si Radha (mula sa Kulay Band), at ang APO! At marami pang naka-antabay.

Tagumpay at ‘di mananamlay. 

Please don’t ask me kung may sikreto ba sila for staying long in the business. Please lang… 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …