Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Divanation Rizza Salmo Venus Pelobelo Princess Shane

Divanation starstruck kay Vilma, book signing dinumog

HARD TALK
ni Pilar Mateo

STARSTRUCK sa inawitan nilang gobernadora at itinuturing na ICON ng Philippine Cinema na si Vilma Santos sa ginanap na book signing nito sa SMX Convention kamakailan.

Hindi makapaniwala ang tatlong dilag ng  grupong Divanation ng Music Box (powered by the Library) na si Rizza Salmo, Venus Pelobelo, at Princess Shane na makakaharap nila si Ate Vi kasama ang manager nila at may-ari ng MB na si Jerick Gadeja sa nasabing okasyon.

Mga awit ng mga pelikula ni Ate Vi ang inihandog ng tatlong dilag.

Matapos ang autograph signing ng ICON  sa bulwagan ng SMX, lumipat na ito sa silid kasama ang media para roon makipag-usap sa mga ito.

Hindi na lingid sa politika ang pag-ikot ng mga tsikang sa pagbabalik nito sa pwesto sa pagsisilbi sa kanyang mga constituent sa Batangas, malamang na naghahanda na rin ito sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa balang araw.

Gamely, sumagot si Ate Vi!

“Opo. Tatakbo po akong Presidente!”

We heard it right.

Sabay dugtong ng “…President ng Seniors Citizens Club!” na tawang-tawa!

But seriously, ang ginagampanan ngayong papel ni Ate Vi sa Batangas ay  patuloy lang na nagpapamalas kung gaano siya ka-epektibong lider. Hindi naputol at nawala ang pagmamahal ng kanyang bayan sa kanya.

Sumasakit ang loob niya sa mga nangyayari sa bayan sa kasalukuyang panahon.

Pero sabi nga niya, sa pagiging transparent niya sa lahat ng kanyang galaw ay hindi siya maaaring akusahan ng mga bagay na hindi niya naman ginagawa o magiging kakulangan sa kanyang sinumpaan sa pagiging serbisyo publiko.

Proud si Ate Vi sa papel niya sa Batangas.

Pero prouder siya sa paglabas ng aklat tungkol sa kanyang saysay o kabuluhan sa pagiging isang ICON sa industriya.

Salamat sa mga nag-akda ng Vilma Santos Icon: Essays on Cinema, Culture & Society na sina Augusto Antonio A. Aguila at Joselito B. Zulueta sa pagmumulat sa sambayanan sa kahalagahan ni Ate Vi at ng mga papel ng mga kababaihang binigyang buhay niya na karamihan ay mga premyadong role din.

Sa pamamagitan ng matapang na motibasyon ng bawat direktor na humawak sa kanya, naiparamdam ni Sister Stella L., Rubia Servios, Aida Macaraeg hanggang  kay Darna ang himutok at damdamin ng isang babae.

Her woman empowerment extends beyond the scenes behind the cinematic curtain. Dahil lahat ng pinapelan niyang katauhan, mula sa  mga boses ng kababaihan, madre, asawa, ina, kapatid, kaibigan, mangingibig, asawa hanggang maging isang super hero ay nagbigay ng kahulugan kay Ate Vi sa existence niya hindi lang sa pelikula at sa politika kundi sa pagiging siya niya.

Nagdiriwang ang Vilmates. Salamat sa mga gaya ni Jojo Lim at iba pang mga Vilmanian dahil sa pagtatagumpay nito ng inilimbag na aklat. Na may dalawa pang kasunod. Sa Filmography ng aktres. At coffee table book.

May pangako si Ate Vi, na oo isang pelikula ang aantabayanan sa kanya sa kanyang termino. At nagpaalam na siya sa mga nasasakupan sa Batangas. Isang matinong script na lang ang hinihintay. At lalaragan muli ito sa pag-arte. 

Dinumog ang kanyang book signing.

At hindi naman nawala sa  tabi niya ang Mentorque producer na si Bryan Dy. Pati na ang nag-coordinate ng lahat ng kinailangan para ang booth ng UST Publications ay sadyain ng mga nagnais na magkaroon ng sipi nito, na si Ambeth Nabus.

Nagbubunyi ang lahat! Pagbati! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …