I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGLABAS ng surprise single ang grupong Cup of Joe kasabay ng seventh anniversary ng chart topping band na titled Sandali. More than 300,000 streams na ito sa Spotify sa loob ng 24 oras simula nang ilabas.
Ang mga huling labas na single ng COJ ay ang Multo at Tingin na duet with Janine Tenoso na patuloy na umaani ng papuri at nakagagawa ng record sa streaming app.
Samantala, ang three-day concert ng Cup of Joe na titled Stardust sa Araneta Coliseum sa October 10-12 ay sold out, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com