NANGUNA ang mag-asawang President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos sa paglulunsad ng isang video ng Presidental Communication Office na nag-aanyaya na manood ng pelikulang Pilipino, o ang Tara Nood Tayo campaign.
Hinakayat nila ang mga tao kasama ang sikat na producers, directors, artista—Judy Ann Santos, Alden Richards, Kathryn Bernardo, Vic Sotto, at Coco Martin—at iba pang personalidad sa pagtangkilik ng pelikulang Pinoy sa sinehan at sa telebisyon.
Sana nga ay magtagumpay ang layuning gustong iparating ng Bagong Pilipino video.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com