I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS ang appeal sa tao ng Matt Monro clone na si Roulle Carino kaya naman siya ang nag-uwi ng Dabarkads Choice Award.
Nakuha rin ni Roulle ang second runner up. Ang Gary Valenciano clone na si Lucky Robles ang 1st runner-up habang ang grand concert winner last Saturday ay ang Karen Carpenter clone na si Jean Jordan Abina.
Bago ang announcement ng winners, nagkaroon ng video ang lahat ng finalists ng We Are The Worldversion nila. Kasama nga sa sumali ay ang Yoyo Villame at Fernando Poe, Jr. clone, huh!
Sa totoo lang, 14 or 15 pa lang si Rouelle. Pero sabi nga ng judges, tunog matanda na siya dahil sa pagkanta ng Matt Monro songs.
Sa pagtatapos ng The Clones, may humihirit na ng Part 2 ng nasabing singing contest with a difference.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com