I-FLEX
ni Jun Nardo
NGAYONG araw na ito, September 5, ang showing sa US theaters at VOD (Video On Demand) ng pelikulang Badman.
Kasama sa cast si Lovi Poe at ang foreign artists na sina Sean William Scott, Johnny Simmons, Chance Perdomo, Ethan Suplee, at Ron Riggle.
Ginawa ni Lovi ang movie noong hindi pa siya buntis kay Monty Blencowe na tumutulong din sa kanyang projects sa US.
Pahinga muna sa career niya si Lovi dahil base sa pictires na ipinakita niya sa social media, may kalakihan na ang baby tiyan niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com