Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shakeys Super League SSLv Volleyball
TINALAKAY ni Mr. Vic Gregorio Shakey's Asia Ventures, Inc. (SPAVI) president at chief operating officer (pangalawa mula sa kanan) ang inilunsad na Shakey's Super League (SSL) preseason unity cup sa Shakey's Buendia ave. branch sa Makati City. Kasama sina (mula sa kaliwa) Regina Asa SPAVI marketing head, Dr. Ian Laurel (ACES) president at Oliver Sicam (SPAVI) general manager. Kasama sa larawan ang mga coaches at team captain ng mga paaralang kalahok at ang bagong logo ng SSL. Magsisimula ang torneo sa Setyembre 20 sa Playtime FilOil Center, San Juan City. (HENRY TALAN VARGAS)

NU handang depensahan ang titulo sa 2025 SSL Preseason Unity Cup

IDEDEPENSA ng National University (NU) ang kanilang titulo sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup na magsisimula sa Setyembre 20 sa Playtime FilOil Center, San Juan City.

Lalahok ang 16 koponan — anim mula UAAP at sampu mula NCAA. Hindi sasali ang De La Salle University at University of the East dahil sa rebuilding ng kanilang mga roster.

“Bagamat 16 lang ang teams, exciting pa rin dahil may mga bagong players na ipapakita,” ani Dr. Ian Laurel ng Athletic Events and Sports Management, Inc, (ACES), president at organizer ng torneo sa ginanap na pulong balitaan ng 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa Shakey’s Buendia sa Makati City.

Nanguna sa okasyon si Mr. Vic Gregorio president at CEO ng Shakey’s Pizza Asia Ventures, Inc. (SPAVI) kasama sina Oliver Sicam SPAVI general manager, Regina Asa SPAVI marketing head, Jude Turcuato PLDT at Smart Communications head of sports, Ariel Paredes ACES director, at coaches, team captain ng mga kalahok na koponan. 

Ang mga teams ay hahatiin sa apat na pool para sa single-round robin preliminaries. Ang top 2 mula sa bawat pool ay uusad sa susunod na round, na susundan ng quarterfinals, semis, at finals (best-of-three). May twice-to-beat advantage ang top 2 teams sa quarters.

Ipapatupad ang all-to-play format, kung saan kailangang magamit lahat ng players sa line-up.

“Makakatulong ito sa paghahanda ng mga teams para sa kanilang mga mother leagues,” dagdag ni Laurel.

Ang Unity Cup ang huling yugto ng taon para sa SSL, matapos ang matagumpay na Girls Volleyball Invitational League at tatlong leg ng National Invitationals sa Davao, Cebu, at Batangas, na napanalunan ng NU, Adamson, at FEU.

“Gawin nating mas maganda at mas matagumpay ang torneo ngayong taon,” ani Shakey’s CEO Vic Gregorio.



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …