I-FLEX
ni Jun Nardo
KINUYOG ng negatibong komento si Arnold Clavio mula sa netizens na panig sa tinuran ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Hindi naman kasi si Arnold ang pinatutungkulan ni Mayor Vico sa pahayag niya. Eh sumawsaw kaya hayun, binengga nang husto ngt netizens, huh!
Sa isang banda naman, burado na raw sa You Tube ang interview ni Korina Sanchez sa mag-asawang Sarah at Pacifico Discaya na ugat ng hanash ni Mayor Vico.
Sa post ni Vico, hindi siya naniniwalang nagkakahalaga ng P10-M ang umano’y bayad sa ad placement sa show ni Korina, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com