Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aldub Maine Mendoza Alden Richards JoWaPao

Maine bakit kailangang isiwalat pagkagusto noon kay Alden? 

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANO kaya ang nagtulak para isiwalat ni Maine Mendoza ang pagkagusto niya noon kay Alden Richards noong panahon ng kanilang Al-Dub loveteam sa isang podcast?

Hindi nga lang nagwagi si Maine na maging boyfriend niya si Alden mas priority that time ang career kaysa lovelife.

May asawa na ngayon si Maine. Alam ba ng asawa niyang si Cong. Arjo Atayde ang confession niyang ito?

Mas sumikat si Maine noong panahong ‘yon dahil sa pagiging novelty niya. Mas tumagal nga lang ang career ni Alden na aktibo pa rin sa showbiz.

Eh si Maine, Eat Bulaga na lang ang show. Wala naman balitang gagawa pa siya ng movies. Pero contented naman siya as a person na ang pagbubuntis na lang ang hinihntay ng lahat.

Nalipasan na kasi ang AlDub kahit may mag-delulu pa ring fans na umaasa o nagkukunwang may anak na ang dalawa.

Hindi man nagkatuluyan sina Maine at Alden, bahagi naman sila ng history sa noontime show na nag-iisang kalye-serye sa katanghalian!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …