Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED R
ni Rommel Gonzales

NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita ng malaki ay alahas ang nagsalba kina Judy Ann Santos.

Noon kasi sa mga panahong wala silang pera, ang mga naipundar na alahas ng ina niyang si Mommy Carol Santos ang nakatulong sa kanila para may paggastos sa kanilang mga pangangailangan Sa araw-araw.

Lahad ni Judy Ann, “Iyon kasi ‘yung itinanim ng mom ko sa akin, mag-ipon ka nang mag-ipon.

“Kasi ‘yun din ‘yung nakita ko kay mommy, eh.

“Na noong panahon na nakatira kami sa Antipolo and ang ulam na lang namin ay talagang wala na. 

“Dumating kami sa point na kamatis at kanin lang.

“Nakita ko siya, nagsasanla ng mga alahas niya.

So iyon yung naging saving grace namin para makapag-enrol, para makabiyahe pa-Manila kapag may trabaho kami.”

At bilang isang mabuting anak, noong kumikita na siya sa showbiz, isa-isang tinubos ni Juday ang mga nakasanlang alahas ni Mommy Carol.

So, it stuck with me so bad na I made it a promise na ‘pag nagkapera ako, ang una kong gagawin, ibalik muna kung gaano karaming alahas ‘yung isinanla ng mommy ko.

“Hindi ko man makuha ‘yung original na piece, at least, be able to give her back that amount of jewelry that she had at that time.”

At ngayon ay investment na para kay Juday ang alahas.

And I promised myself, I would invest in good jewelry, in properties, in things that would appreciate and in things that I’ll be able to pass on to our children.

“Kasi again, ang pera nananakaw, maraming bagay ang puwedeng mawala.

“But when you’ve invested properly and alam mong pinaghirapan mo ito, proud ka rin.

“Kaya ang sarap magsuot ng alahas, eh, kasi bayad na ito, eh.”

Samantala, bago niyang endorsement ang Tala Philippines.

Of course, ‘Okay, teka muna, lending app ito. Ano ‘yung values?’ That’s one.

“‘Ano ang gusto nating iparating sa Filipino? Ano ‘yung pupuntahan?’

“Tatlo lang naman iyan. Eh, nag-align lahat ‘yung tatlong iyan.

“The values, the chance to empower the Filipino people in being able to reach their dreams, at magkaroon sila ng tapang na lumaban ng patas sa buhay.

“And, at the same time, andoon ‘yung binibigyan mo sila ng hope na may chance, may chance pa na maging successful ka sa negosyo.

“Kailangan mo lang talagang subukan, lakasan ang loob mo, at maging responsable.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …