Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas kung mang-insulto ng kapwa-tao at mukhang ang tingin sa sariling pagkatao ay perpekto.

Walang pakundangan kung rumepeke ang bunganga ni Imee at walang pakialam kung sino ang masasagasaan, basta ang mahalaga ay maupakan ang kanyang mga kalaban.

Kung marunong lang sanang manalamin si Imee, siguradong masisipat na maraming depekto sa kanyang pagmumukha at baka nga siya mismo ay matakot at tumakbong papalayo kung makikita sa salamin ang sariling anyo.

Sa halip kasing ipaliwanag nang maayos ang kanyang botong yes para i-archive ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, walang ginawa si Imee kundi bastusin ang sariling pinsan na si Speaker Martin Romualdez at tawaging Lolong, dambuhalang sanggol at Bondying.

Dahil sa kabastusan, tinawag tuloy na ‘sandok’ si Imee at pinagsabihang hindi dapat makialam at magdikta sa kung anong dapat gawin ng mga mambabatas lalo sa usapin ng liderato sa Kamara.

Sabi pa ni House Spokesperson Atty. Princess Abante… “May mga nakapagsabi rin sa atin na dapat ay huwag tayong makisandok sa hindi naman natin kusina.”

Sa hindi nakakaalam, si Imee ay binansagang ‘sandok’ dahil sa haba ng baba nito at marami ang nagsasabing nagpatapyas sa ibang bansa para maging maayos tingnan ang mukha.

Sabi pa ni Senator Tito Sotto… “It’s a shame. Sana nag-privilege speech na lang siya, hindi sa explanation of vote. Ang sama rin ng timing kasi habang nagsasalita si Imee, may mga pinalabas ‘yung Sergeant-at-Arms na nag-thumbs down mula sa gallery.”

Hay naku Manang Imee, anong nangyayari sa ‘yo? Habang tumatanda, lumalala!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …