DINAKIP ang 16-anyos binatilyo na sinabing nanuntok at nanaksak sa isang estudyante na galing sa isang paaralan sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station (PS 10) chief, P/Lt. Col. Leonie Ann Dela Cruz, 2:30 ng hapon noong Biyernes, 1 Agosto, pauwi mula sa paaralan ang biktima nang biglang lapitan ng suspek, at sinuntok sa likod ng ulo saka pinag-uundayan ng saksak.
Mabilis na nakaiwas ang biktima ngunit natamaan din ng patalim sa kaliwang kamay.
Nakatakbo ang sugatang biktima at agad na nagsumbong sa kanilang barangay na agad nagreport sa pulisya.
Agad nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng PS 10 sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) hanggang naaresto ang suspek.
Sinampahan ng kasong Attempted Murder ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office at isinuko sa Molave Shelter sa Brgy. Payatas, Quezon City.
“This arrest serves as a reminder that under the law, minors aged 15 above are not automatically exempt from criminal liability, especially if it is proven that they acted with discernment. Accountability must be upheld to ensure justice for the victims and the safety of the community,” pahayag ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com