I-FLEX
ni Jun Nardo
TIGIL na ang Revival King na si Jojo Mendrez sa mga gimmick para lang umingay ang pangalan niya.
Ito ang pahayag ng manager ngayon ni Jojo na si Rams David ng Artist Circle.
“Marami kaming gagawin ni Jojo. Focus siya sa singing niya at malay natin, pasukin din niya ang acting.
“Tuloy ang pag-revive niya ng hit songs at ang ‘I Love You Boy’ na version niya ay magiging ‘I Love You, Babes.’ ‘Yung kanta ni Dina Bonnevie na ‘Bakit Ba Ganyan’ eh gagawin din niya at ‘Yakap’ ni Junior. We have a lot of plans na napag-usapan namin at agree naman siya.
“May gagawin kaming compilation ng revivals niya, isang EP at Christmas song. A lot is instore for Jojo under Artist Circle,” saad pa ni Rams na ang bagong branding ni Jojo ay Super Jojo: Libre Na ‘To!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com