Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Goitia Bongbong Marcos BBM

Makatotohanang paglilinis ng gobyerno pangako ni  PBBM

ITO ang matapang at deretsong pahayag ng suporta ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isang tunay na lingkod-bayan at tagapagtanggol ng dangal ng gobyerno kaugnay ng 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.

“Bihira tayong makakita ng Presidente na hindi  pinagtatakpan ang mga pagkakamali. Hindi siya nagkukunwari. Harap-harapan niyang inamin ang gulo sa sistema ng gobyerno at sinabing nililinis niya ito. Hindi lamang puro salita ang Presidente kundi gumagawa,” pahayag ni Goitia matapos ang SONA.

Partikular niyang tinukoy ang pagbubunyag ng Pangulo sa korupsiyon sa mga proyekto ng gobyerno, lalo sa flood control, na sinabi niyang may mga kasabwat sa mga opisyal ng gobyerno at negosyante na kumikilos sa loob ng sistema at nangakong bubuwagin ang kartel.

“Napakatagal nang ginagatasan ang mga proyektong dapat sana ay nagliligtas ng buhay. ‘Yung perang nakalaan para sa bayan napupunta sa bulsa ng iilan. Ngayon lang may Pangulo na may lakas ng loob na ilantad ‘yan sa mismong araw ng  SONA. Isa lamang ang ibig sabihin nito, seryoso ang Pangulo,” dagdag ni Goitia.

Para kay Goitia, simple lang ang mensahe ng Pangulo: tapusin ang palusot, itama ang sistema, at ibalik ang tiwala ng bayan.

“Walang paandar, walang palabas. Trabaho lang. Sinabi niya kung ano na ang nagawa, at ano pa ang dapat tapusin. Hindi siya nagyayabang, nagsasabi lang siya nang totoo,” ani Goitia.

Pinuri rin niya ang ipinapakitang resulta ng mga proyekto sa ilalim ng Build Better More. “‘Yung mga paliparan, tren, terminal, hindi drawing o kaya press release. Hindi propaganda kundi patunay na  progreso,” aniya.

Sa usaping foreign policy, todo-suporta rin si Goitia sa paninindigan ni Marcos.

“Hindi ito pagiging sunud-sunuran. Estrahiya ito. Pinipili natin ang pakikipagkaibigan pero hindi tayo nagpapadikta. Tumitindig tayo bilang isang bansa,” diin niya.

Pero higit sa lahat, hanga si Goitia sa malinaw na direksiyon ng Pangulo, mula agrikultura hanggang digitalization, kahit hindi ito ‘popular’ sa mata ng mga politiko.

“Habang nakatuon na isip ng iba sa pamomolitika, iniisip niya  kung anong klaseng Filipinas ang iiwan sa mga susunod na henerasyon. Hindi siya naghahanap ng papuri. Gusto niyang mag-iwan nang maayos at progresibong  bansa,” sabi ni Goitia.

Sa gitna ng ingay at palabas sa politika, naninindigan si Goitia na si Presidente Marcos ay hindi umaarte. Siya ay kumikilos para sa hinaharap at para sa kapakanan ng Filipinas.

“Hindi lamang ito simpleng talumpati. Ito ay isang malinaw na babala sa mga tiwali at maging sa taong bayan, hindi tayo dapat makontento sa status quo. May Pangulo tayong kumikilos at hindi namomolitika.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …