Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa 28 Hulyo, huling Lunes ng buwan.

Ito ang inihayag kahapon ni Fire Director Jesus Fernandez sa  isinagawang Meet the Press sa national headquarters ng BFP sa Quezon City.

Sinabi ni Fernandez, ilang mga bombero sa Metro Manila ang magsisilbing augmentation ng Philippine National Police (PNP) at mga sundalo sa pagbibigay seguridad sa mga lugar at sa paligid ng Batasan Pambansa complex.

Inaasahang daragsain ang SONA ng mga militante at iba pang mga cause-oriented groups ang Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue patungong Batasan upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at alalahanin laban sa kasalukuyang administrasyon.

Ilang firetruck din ang mag-i-standby kasama ang mga medical team ng BFP upang agad na makatugon sa mga emerhensiya.

Samantala, hinimok ni Fernandez ang publiko na i-dial lamang ang kanilang hotline sa oras ng kagipitan para sa mabilis na pagtugon.

“Sa ating mandato, makakaasa po kayo na tumawag kayo sa ating mga fire station, andoon kaagad tayo, kahit na anong emergency po itawag n’yo po sa atin,” pahayag ng BFP chief.

Sinabi ni BFP Deputy Chief for Operations (DCO) Supt. Rico Neil Kwan Tiu na makikipagtulungan ang ahensiya sa mga mamamahayag para sa pagtataguyod ng transparency.

Binanggit din niya kung gaano kahalaga ang papel ng media sa pagpapakalat ng impormasyon na naglalarawan sa programa bilang isang mahusay na paraan para sa mas malakas na partnership. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …