Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Ashtine Olviga AshDres 100 Bulaklak Para Kay Luna

Ashtine kay Andres: kainlab-inlab siya 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAUNA muna ang story conference ng launching movie ng AshDres (Ashtine-Andres) loveteam na 100 Bulaklak Para Kay Luna bago ang actual shooting ng movie na ididirehe ni Jason Paul Laxamana.

Isa itong rom-com movie pero malayo sa Viva One series ng loveteam na Mutya Ng Section E.

Para kay direk Jason, rosas na puti ang bagay ibigay kay Ashtine dahil sa pagiging pure nito.

Anyway, kamakailan, naging sentro ng kritisismo at bashing si Ashtine kaya naglabas ng statement ang Viva Artist Agency para ipaalam na krimen ang cyber libel.

Tinanong namin si Andres kung ano ang suportang ibinibigay niya kay Ashtine sa bashing at malisyosong paninira sa dalaga.

“Kami naman ni Ashtine, we support each other kasi we’re partner sa movie. We just help each other,”sagot ni Andres sa strory con.

“Tungkol naman doon, wala. Natatawa na lang ako kasi kung totoo, masasaktan ako!” reaksiyon naman ni Ashtine.

After their movie, magkaka-inlaban na kaya sila?

“We are professional talaga. We know what’s right and what’s wrong. Ash is amazing to work with,”sagot ni Andres.

Eh si Ashtine?

“Pina-prioritize namin ang work. Sobrang thankful kami sa mga blessing,” sagot niya.

Inulit namin ang tanong kung kain-lab in lab si Andres.

“Ahh, kainlab-inlab. Opo naman! Hahaha!” diin ni Ashtine.

O, alam na ninyo AshDres fans, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …