Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

P2-M shabu nasamsam ng QCPD Batasan PS 6

UMABOT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 sa naarestong pusher sa isinagawang buybust operation sa lungsod nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, DDDA/OIC, ni Batasan Police Station 6 chief P/Lt Col Romil Avenido, kinilala ang suspek bilang alyas Zakaliya, 54 anyos, residente sa Taguig City.

Siya ay nadakip sa buybust operation na isinagawa  dakong 2:00 ng madaling araw noong Lunes, 8 Hulyo  2025, sa Commonwealth Avenue, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Dinakip ang suspek matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer na nagkakahalaga ng  P160,000.

Nakuha sa suspek ang karagdagang 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,380,000.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

“I commend the Batasan Police Station 6 led by P/Lt.Col. Romil Avenido for this another significant accomplishment. This shows our strong effort to fight illegal drugs to rid Quezon City of drug-related activities. It is also in line with the directive of our Chief. PNP, PGen. Nicolas Torre III to suppress criminality and ensure the safety and security of our communities,” pahayag ni P/Col. Silvio. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …