Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nicolas Torre III

Drug war ni Torre, 3 tulak arestado sa P4-M droga

SA PATULOY na pagpapatupad ng gera ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III,

tatlong high value drug pushers ang nadakip ng  mga tauhan ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa isinagawang buybust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng illegal drugs na aabot sa higit P4 milyon sa Marikina City kahapon ng  madaling araw.

Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Edwin Quilates, nahaharap sa kasong paglabag sa  RA 9165 ang mga suspek na sina alyas Jolly, 27 anyos; alyas Mark, 27, at alyas  Ashley, 21.      

Batay sa report, dakong 4:00 ng madaling araw nang ikasa ang buybust operation laban sa mga suspek sa Marikina Heights, Marikina City.                 

Nakompiska ng mga awtoridad ang nasa 3,239 gramo ng marijuana kush at 30 gramo ng marijuana dried leaves na may  total standard drug price  na aabot sa P4,862,100 at mga non-drug evidence.

Dinala na sa  SOU NCR PNP-DEG Office sa Camp Bagong, Diwa, Taguig City ang mga suspek para sa dokumentasyon at disposisyon habang  isinumite sa  PNP Forensic Group sa Camp  Crame, ang mga illegal drugs para sa laboratory examination.

“This accomplishment is a testament to your dedication and unity, which strengthens our campaign against illegal drugs and our responsibility to protect every Filipino community,” ani Quilates. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …