Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Military Academy PMA

Freshman minaltrato, 4 PMA cadets inireklamo

SINAMPAHAN ng kaso ng isang kadeteng freshman ang apat na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa pangmamaltrato sa loob ng institusyon, pagkokompirma ng isang opisyal nitong Lunes, 7 Hulyo.

Ayon kay PMA spokesperson Lt. Jesse Saludo, ilang beses na pinagsusuntok, ipinahiya sa publiko, at isinailalim sa matinding pisikal na training ang biktimang lalaking fourth class cadet na naging dahilan upang siya ay mawalan ng malay.

Kabilang sa mga suspek ang dalawang fourth class cadet, isang second class cadet (third year), at isang first class cadet (fourth year), na pawang mga squadmate ng biktima.

Ayon kay Saludo, naiinis umano ang mga suspek dahil sa hindi magandang performance ng biktima sa loob ng PMA na siyang dahilan ng pagbaba ng buo nilang grupo.

Ayon sa PMA, naganap ang alegasyong pangmamaltrato mula 9 -9 Setyembre noong 2024 sa barracks ng mga kadete.

Nakasaad sa reklamo ng biktima, malimit siyang mawalan ng malay dahil sa matinding pagod dulot ng mas mabigat na training na ipinagagawa ng kaniyang mga kasama.

Dumating sa puntong kinailangang manatili sa V. Luna Medical Center sa Quezon City ang biktima matapos suntukin ng isa sa mga suspek noong 29 Setyembre 2024.

Kalaunan ay inilipat siya sa PMA Station Hospital sa Fort Del Pilar, sa lungsod ng Baguio at nakalabas lamang nitong 30 Hulyo, matapos makatanggap ng atensiyong medikal at sikolohikal.

Nagsampa ng reklamo ang biktima laban sa mga suspek sa Baguio CPS.

Samantala, inilinaw ni Saludo na ang insidente ay hindi maituturing na hazing ayon sa Anti-Hazing Act.

Kaugnay nito, pinatawan ng kaukulang parusa ang mga suspek sa loob ng PMA batay sa partisipasyon nila sa pangmamaltrato sa biktima.

Kabilang sa mga parusa ang 60 demerits, 210 touring hours, at 210 confinement days para sa squad leader ng kadete, at isang taong suspensiyon para sa dalawa pang suspek na nanakit sa biktima, habang walang natanggap na parusa ang isa.

Tiniyak ni Saludo na ang PMA ay mayroong mahigpit na zero-tolerance sa pang-aabuso at pangmamaltrato.

Gayondin, ipinahayag ni Saludo na inirerespeto ng PMA ang desisyon ng biktima na sampahan ng reklamo sa korte ang kaniyang mga kasamahan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …