Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
HINDI pa tinukoy ng mga abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong bansa ang handang kupkupin ang dating Pangulo sakaling aprubahan ng ICC ang kahilingan ng mga abogado ni PRRD na ilabas ito sa kulungan habang dinidinig ang kaso nito.
Ayon sa abogado ng dating Pangulo na si Nicholas Kaufman, sa 16 pahinang kahilingan, may bansa nang pumayag na pansamantalang ampunin si FPRRD.
Isinaad pa rin sa nasabing request na ang isang 80-anyos ay hindi magagawang tumakas at handa itong dumalo sa mga pagdinig sa mga kasong ibinabato sa dating Pangulo.
Maraming netizens ang ating nakausap, may nagsasabing payagan na, pero dito sa bahaging Luzon at Metro Manila, 80 percent ay hindi pumapayag.
Sinabi pa na hindi nga tatakas pero magpapabago ng anyo. Samot-saring opinyon mula sa mga netizen ang maririnig.
Kung papayag ang ICC sa kahilingan ng mga abogado ni PRRD, magbubunyi tiyak ang mga DDS, kabado naman ang mga hindi pabor.
Sa aking opinyon, huwag na lang o huwag payagan dahil maraming kuwento ang mangyayari at maraming imposible ang mangyayari.
Sana tumigil na sa kadadakdak itong si VP Sara at ito namang si Senator Imee Marcos ay ganoon din.
Baka nakalimutan niya, Romualdez ang ina, ang dating First Lady Imelda. Para na rin niyang itinakwil ang kanyang middle name at family name.
Si Senadora Imee, ambisyosa, at gusto lang na sumunod sa yapak ni VP Sara!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com