Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Amara Shia Shina Aquino Sanya Lopez Janella in Japan

Sanya hindi lang panlabas ang maganda

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng pelikula at telebisyon, natanong si Sanya Lopezkung ano ang definition niya ng salitang beauty.

Aniya, “Well for me kasi ang beauty talaga hindi naman nakikita… totoo iyan, luma na siguro itong naririnig, dati niyo pa naririnig na ‘yung kagandahan naman talaga hindi lang panlabas.

“Kasi ako talagang naniniwala na ‘yung tunay na kagandahan makikita mo sa panloob niya, kung maganda ka.

“Siyempre minsan maa-appreciate mo pa nga ‘yung taong alam mo ‘yun, ‘yung maganda siya pero mas maganda ‘yung kalooban, dahil minsan kapag… nag-iiba, nag-iiba talaga ‘yung pananaw ng tao kapag hindi maganda ‘yung panloob mo and hindi magtatagal ‘yun, ‘di ba?

“Mamahalin ka ng tao kasi dahil sa kagandahang-loob, hindi dahil sa kagandahang panlabas lang,” pahayag pa ni Sanya.

Dalawang taon ng brand ambassador, since 2023, si Sanya ng Amara Shia Jewelries na CEO si Shina Aquino at ang mister niyang si Ian Aquino ang COO.

Kasama ni Sanya rito bilang brand ambassador ang influencer/content creator na si Jenela in Japan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …