Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

May titiba na naman sa NCAP  

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

TINANGGAL na nga ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa NCAP o ‘yung tinatawag na No Contact Apprehension Policy (NCAP) kaya muli na itong ipatutupad.

         Punto numero uno: sa isang bansa na butas-butas ang mga batas, walang maayos na sistema ng trapiko sa lansangan, at mayroong dalawang kamoteng puwersa ng mga hindi disiplinadong motorista vs mangongotong na nabigyan ng awtoridad, ang NCAP ay magiging instrumento ng dagdag na pahirap at isang batas na imbes maggawad ng hustisya ay magiging tagapataw ng inhustisya.

         E sa rami ng mga pasaway na motorista sa kalsada, kapag muling ipinatupad ang NCAP sa bansa, tiyak

na magiging numero unong source ito ng pondo ng mga nagpapatupad na ahensiya at ng mga ‘genius’ na mangongotong.

May nakausap tayong taxi driver dahil alam natin ang mga ganitong tsuper ay parang mga paruparo sa kalye, malikot ang manibela, liko dito, liko doon, singit nang dikit.

Kinakabahan sila sa NCAP dahil hindi mairerehistro ang sasakyan hangga’t ‘di nababayaran ang penalty sa traffic violations na sinuway.

Dito palang palpak na ang batas. Sa Amerika, kapag nahuli may traffic violations, ilang araw lang may darating na sulat para ipaalam ang paglabag sa batas-trapiko.

Dito sa ating bansa  ‘pag nagparehistro ka pa lamang, doon mo malalaman na may traffic violations ka.

Hindi ka na puwedeng mangatuwiran dahil hindi na matandaan dahil hindi ipinakita ang CCTV camnera footage na lumabag ka sa batas-trapiko.

May butas ang ang batas na NCAP. Kaya sabi nila pera-pera lang  daw ang modus operandi ng NCAP.

Maganda ang layunin ng gobyerno tungkol sa NCAP pero dapat hindi nakaangkla sa bulok na Sistema.

Tiyak ang mga driver ng motorsiklo partikular ‘yung mga rider ang mangungunang lumabag at mga taxi driver na hinahabol ang kanilang boundary fee.

Kayo sa palagay ninyo, makatuwiran ba itong NCAP?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …