Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife, blood, prison

Pasahero na 10-beses nanaksak ng rider, arestado

ARESTADO na ang pasahero na nanaksak ng 10-beses sa rider ng motor taxi na Move It noong nakaraang buwan, ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes.

Magugunitang nag-viral sa social media ang krimen matapos mahagip ng CCTV camera ang walang habas na pananaksak ng pasaherong suspek sa rider noong nakalipas na buwan

Kinilala ni Silvio ang suspek na isang alyas Mr. Bean, naaresto sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon nitong Martes ng madaling araw.

Nakatanggap aniya ng impormasyon ang La Loma Police Station 1 na naglalakad sa lugar ang suspek kaya’t agad silang nagpadala ng mga pulis.

Nang makompirma, dinampot ng mga pulis ang suspek at nahulihan ito ng 9mm pistola at kargadong magazine.

Kung maalala, hindi bababa sa sampung saksak ang pinsala ng rider bago tinangay ang kanyang motorsiklo.

Nasa maayos nang kalagayan ng rider sa kabila ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inihahanda ang kasong frustrated murder laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …