Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Murder suspect arestado

Murder suspect arestado

ISANG lalaking murder suspect ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang follow-up operation sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng umaga, 18 Mayo.

Sa ulat kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Richie, residente sa Purok 4, Brgy. Masapang, sa nabanggit na bayan, at sinasabing pamangkin ng biktima.

Nakatanggap ng tawag ang Victoria MPS, na pinamumunuan ni P/Maj. Reden Valdez, dakong 5:10 ng umaga noong Linggo, mula sa isang tanod ng Brgy. Masapang kaugnay sa natagpuang katawan ng tao na duguan at wala nang buhay sa tabi ng kalsada.

Matapos nilang matanggap ang nasabing impormasyon, agad nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng naturang himpilan.

Agad nadakip ang suspek na itinuro ng isang nakasaksi sa insidente.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .45 baril at mga bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code.

Ang naarestong suspek ay agad binasahan ng kanyang mga karapatan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Victoria MPS habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento sa pagsasampa ng kasong Murder.

“Sa pagkaaresto sa akusado ay tinitiyak namin sa biktima at kanyang pamilya na makakamit nila ang hustisya at mananagot sa batas ang taong ito,” pahayag ni P/Col. Dalmacia. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …