I-FLEX
ni Jun Nardo
ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh!
Sana naman, tumanin sa utak ng mga botante ang lahat ng paalala sa TV, radio social media at iba pang organisasyong tumutulong tuwing halalan.
Of course, may mga pasaway pa ring botante at mga kandidatong makakapal ang mukha.
Mapigilan sana ang maiinit ang ulo lalo na sa mga kasangga ng makakalabang kandidato. Maging maagap ang mga sundalo at pulis para huwag dumanak ang dugo ngayong eleksiyon lalo na sa may history ng violence tuwing eleksyon.
Laging isaisip ang ating bayan at kinabukasan ng taumbayan.
Mapupuno na naman ang socmed at My Day ng daliring may tinta bukas. Walang palya ‘yan.
Basta, piliin ang nararapat na kandidato, national o local man ang tinatakbuhan!!!