Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez Jomari Yllana

Jomari Yllana nag-react sa scandal ni Mark Anthony 

ni Allan Sancon

MASAYANG nakatsikahan ng ilang members of the media ang actor-turned-politician na si Jomari Yllana para sa kanyang nalalapit na motorsport event. 

Kinamusta namin si Jomari kung nagkikita pa ba sila ng mga dati niyang kasamahan sa Gwapings lalo na si Mark Anthony Fernandez.

“I think I saw Mark last ‘ASAP’ na event or one of Mr. M’s (Johnny Manahan) birthday. Okay naman kami, ganyan namin kami lagi. Bihirang magkita pero okay naman. Napapag-usapan namin ‘yung panahon namin. Puro kalokohan pa rin noong mga panahon namin.”

Nagpaabot ba siya ng mensahe kay Mark Anthony noong lumabas ang mga scandal nito?

“Naku, baka i-quote ako! Siyempre ang laki ng reaksiyon ko. Sabi ko, anong nangyari riyan? Hindi ka naman ganyan kalaki noon. Joke! Mako-quote ako ‘di ba? Nagulat ako, ‘O anong nangyari!’ (Sabay tawa ng malakas). Ganyan naman kami, ‘yung mga alaga ni Douglas Quijano joke like that, ganyan kami, we’ll make fun of each other,” pabiro ni Jomari tungkol sa scandal ni Mark Anthony.

Ikinuwento ni Jomari na nagsimula ang hilig niya sa motor sports noong kabataan niya.

“Noong panahon ng Gwapings, if you remember the film ‘The Fast and The Furious’  nahilig ako sa car racing sa Greenhills at isa ako sa hinuli ni Sen. Jinggoy na I race for bets. 

“I’m already an actor that time. Our race car prepared for illegal races for bets. That runs for 2 or  3 years until I was picked  by Toyota Team TOMs 1996 to be a professional race car driver then I learned a lot from that. 

“That started my advocacy for road safety and to promote legal races until from 1996 to 2002 then I retired  noong ipinanganak ‘yung panganay ko, si Andrei. 

“I decided noong 2011 pwede pa, why not try this international stint thats follow. I launched the Yllana Racing Team. I launched the Yllana racing cars competed in Korea, nakatsamba naman at nanalo. 

“Three years ago I tried rally with rally sprint with 1st diesel engine powered car. ‘Yung beginnings ko na underground until I shift into professional racing with the professional racing team and now we’re doing events professionally and hopefully it will take off para maenganyo natin ang iba. 

“I do believe na when we promote motorsports every where, we can promote road safety aspects,” kuwento ni Jomari.

Isa nga sa event na inorganisa ni Jomari ay ang Motorsport Carnivale 2025 na magsasama-sama ang mga car racer, professional man or amateur para ipakita ang kanilang galing sa car racing na magaganap sa May 4, 2025 sa Okada Manila Boardwalk at sa Garden ng Okada Manila.

Magsisimula ang event sa Super Sprint mula 6:00 a.m. to 6:00 p.m. na susundan ng Grand Car Meet katulad ng Legends of the 90’s, 7:00 p.m.. Ang  event ay pamumunuan ni Jomari, president of Yllana Racing sa pakikipagtulungan ng Okada Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …