TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang mga public officials at Waraynons sa isang mataimtim na Banal na Misa sa tarmac ng bagong Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport, upang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis noong 2015 at bilang pagpupugay sa Santo Papa na binigyan ang mga mamamayan ng Eastern Visayas hindi lamang ng pag-asa kundi ng lakas upang makabangon mula sa debastasyon ng super typhoon
Yolanda.
Ginanap ang Banal na Misa, sa lugar kung saan nakatayo si Pope Francis sa gitna ng ulan upang aluin ang bansang nagdadalamhati.
“Pope Francis gave us more than hope,” ani Speaker Romualdez pagkatapos ng paggunita na may temang “Paghinumdom: A Tribute of Gratitude.”
“He showed the world how to lead with compassion. He stood with us—not just as a Pope, but as a father to the suffering. His presence gave us strength to rise.
“He gave us the courage to begin again. When we felt forgotten, he remembered. When we were broken, he came to bless the brokenness. That is something no people ever forget,” dagdag ni Romualdez.
Binigyan diin ng mga dumalo na ang Banal na Misa ay hindi okasyon ng pagdadalamhati, sa halip ay pagpupugay para sa isang spiritual leader na kaalakbay sa paghihirap, namuno nang may kababaang-loob, at naghandog sa buong mundo bilang huwaran ng makapangyarihang habag.
Habang inihihimlay ng Simbahang Katoliko si Pope Francis nitong Sabado, 26 Abril, ang mga mamamayan ng Silangang Kabisayaan ay ginunita ang ika-10 anibersaryo na punong-puno sa kanilang puso ng mga alaala — at pangako na hindi lilimutin ang lalaking nagdala ng liwanag sa pinakamadilim na sandali ng kanilang buhay.
Nagsimula ang seremonya dakong 2:30 pm sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport sa
Tacloban City.
Dumalo sa nasabing pagpupugay ang mga Church leaders, local officials, Yolanda survivors, at mga residente, marami sa kanila ay sumugod sa kondisyong gaya noong nakaraang sampung-taon upang makita ang Santo Papa, na iginiit din ang kanyang pagbisita sa kabila ng masungit na panahon.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang buhay ng mga tao ay binago magpakailanman ng pagbisita ng Santo Papa noong 17 Enero 2015.
“Ten years ago, Pope Francis did not just visit us: he stood with us, shoulder to shoulder, heart to heart,” pahayag ni Speaker Romualdez.
“His presence was a comfort to our grief, a spark to our resilience and a reminder that even in the darkest storms, the light of compassion can shine through,” pagpapatuloy ni Speaker Romualdez.
“Hindi po kailanman mababayaran ng salita o panahon ang ginawa ng Santo Papa para sa mga taga-Tacloban at buong Eastern Visayas. Ang kanyang pagyakap sa ating lungkot ay nagsilbing paalala ng pagmamahal ng Diyos sa mga nawalan at nasalanta ng bagyo,” ani Speaker Romualdez.
Ipinalala ng Speaker ang makasaysayang imahen ng Santo Papa na nagdiriwang ng Banal na Misa sa ilalim ng bumabagyong kalangitan suot ang dilaw na kapote, isang sandali o pagkakataon na naging simbolo ng pagkakaisa ng Simbahan at ng naghihirap na mamamayang Filipino.
“That yellow raincoat became our banner of faith. We saw in him not a distant leader, but a loving father: present, soaked in our sorrow, and filled with love,” pahayag ni Speaker Romualdez.
“The tribute was not only an act of remembrance but also an expression of thanksgiving. Eastern Visayans” ani Speaker Romualdez, “have rebuilt not just infrastructure but the very spirit of their communities since Yolanda, inspired in part by the Pope’s words and presence.”
“Hindi lang siya nakiramay. Pumunta siya, nakiiyak at nakisama sa paghihirap ng mga taga-Tacloban City at buong Eastern Visayas. Hindi lang po ito pag-alala, ito ay pasasalamat. Isang dekada na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa alaala namin ang pagmamahal na kanyang ipinadama. Kaya ngayong araw na ito, sinasabi naming muli: Damo nga salamat, Pope Francis,” ani Speaker Romualdez na dumalo sa nasabing Banal na Misa na pinamunuan ni Pope Francis, 10 taon na ang nakararaan.
“We honor not only the man who came to comfort us, but the spirit he awakened in us: a spirit of unity, of resilience, and of boundless hope,” pahayag pa Speaker Romualdez. “In Tacloban, we don’t just remember the Pope: we carry him in our hearts. His visit was brief, but the impact was eternal.
“Let us live the message he left with us: to care for the forgotten, to comfort the afflicted and to serve with humility and love,” pagwawakas ni Speaker Romualdez said. (GERRY BALDO)