Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Nora Aunor 2

Vilmanian kami subalit may respeto kapag nagkikita ni Nora

I-FLEX
ni Jun Nardo

HAPPY Ester to all Hataw readers!

Back to reality kahit na nga may lungkot pa ring nadarama ang showbiz sa pagpanaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Bumabaha sa social media ng papuri at pag-aalala ng kabutihan ni Ate Guy sa loob at labas ng showbiz.

Biglaan kasi ang paglisan ng superstar na ayon sa anak niyang si Ian de Leon ay acute respiratory failure ang dahilan ng pagkamatay.

Kahit malapit ako sa kumare niyang si Vilma Santos-Recto kaysa kay Nora, respeto ang namamagitan sa amin kapag nagkikita kami. 

Alam niyang malapit ako sa Kumareng Vilma niya kaya nabibiro kami ni Guy na minsan, siya naman daw. Of course, alam kong biro lang niya ‘yun.

Pero noong masama ako sa demanda niya noong panahong isa ako sa managing editors ng magazine na Jingle Extra, nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ng heart to heart kasama ang co-managing editor naming si Anselle Beluso na naunang pumanaw sa kanya.

Nagkapatawaran at nauwi sa halakhakan ang usapan na ‘yon. Kalaunan eh nagkaayos kami at sa tagal ng kaso, hindi na namin alam kung na-dismiss ang libelong isinampa niya sa amin. 

That time, ang pumanaw sa senadora Mirriam Defensor Santiago ang judge namin.

Everybody will miss Ate Guy. Maraming nagmamahal sa ‘yo at sabi nga, ikaw ang nag-iisang superstar!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Atty Vince Tañada Bonifacio Ang Supremo

Atty Vince binigyang katwiran paghuhubad sa FB

HARD TALKni Pilar Mateo SIMULA ng taon, nagalugad na ng Philstagers ni Atty. Vince Tañada ang sari-saring paaralan sa …

Josh Groban GEMS World Tour

Josh Groban dadalhin GEMS World Tour sa Manila: Regine, Martin special guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG espesyal na pagtatanghal ang magaganap sa February 18, 2026, ang GEMS …