Friday , April 18 2025
Goitia ABP

ABP partylist pumalag laban sa pag-aresto ng China sa 3 Pinoy

KINONDENA ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist, at ng anim na civic-oriented groups na kinabibilangan ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Isang Bansang Pilipinas (IBP), at ang Kalipunan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL) ang ilegal na pag-aresto ng China sa tatlong Filipino at inakusahang espiya.

Tinawag ng ABP ang nasabing hakbang bilang isang propaganda tactic upang ilihis ang totoong isyu ng sigalot na lumalala kaugnay ng pag-angkin sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, ang unang nominado ng ABP partylist at Chairman Emeritus ng ABKD at FDNY Movement, ito ay isang hayagang anyo ng pananakot ng pamahalaang Tsino at isang diversionary tactic upang bigyang-katuwiran ang ilegal na pagkakakulong ng tatlong Filipino na sina David Servanez, Albert Endencia, at Natalie Plizardo — na inaresto sa China dahil sa umano’y paniniktik para sa Filipinas.

Aniya, ang tatlo ay mga masunuring mamamayang Filipino na dumaan sa screening ng pamahalaang Tsino bago sila tinanggap bilang mga iskolar sa ilalim ng Hainan government scholarship na nakapaloob sa sisterhood agreement sa pagitan ng mga lalawigan ng Palawan at Hainan.

Nagpahayag ng pagdududa ang tatlong grupo sa sinabing pag-amin ng mga naarestong Filipino, at sinabing ito ay ginawa sa ilalim ng matinding pressure, batay sa pahayag ng pamahalaang Tsino na binanggit ang “Philippines Intelligence Agency” o “Philippine Spy Intelligence Services” — mga ahensiyang hindi umiiral sa gobyerno ng Filipinas.

“Ang mga alegasyong ito ay walang basehan at pawang kasinungalingan lamang, bahagi ng isang planadong smear campaign kasunod ng pag-aresto sa mga pinaghihinalaang Chinese spies ng mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas sa Filipinas nitong mga nakaraang buwan. Nagdudulot ito ng seryosong pangamba na ang hakbang na ito ay isang kalkuladong hakbang ng pagganti,” ayon kay Goitia.

Naniniwala si Goitia, ito ay isang uri ng pressure upang patahimikin ang gobyerno ng Filipinas hinggil sa mga isyu sa rehiyon, lalo sa West Philippine Sea.

“Inaaresto nila ang ating mga kababayan, nagpapakalat ng propaganda, at pilit na pinapalabas na sila ang biktima, pero sa katunayan ay sila ang nagkakalat ng kasinungalingan at pananakot,” aniya.

Sinusuportahan aniya ang panawagan na tiyaking ang tatlo ay mabibigyan ng due process, makatarungang pagtrato, at paggalang sa kanilang mga karapatan alinsunod sa batas ng China. Dagdag rito, hinihiling nila ang agarang pagpapalaya ng tatlong Filipino mula sa kustodiya ng pamahalaang Tsino.

Sa patuloy na pagtaas ng tensiyon, hinikayat ni Goitia ang mga Filipino na maging mapagmatyag at ipaglaban ang dignidad ng bansa sa harap ng dayuhang agresyon.

Mariing ipinagtanggol ni Goitia ang integridad at kredibilidad ni Tarriela, at inilarawan siya bilang isa sa iilang opisyal na may tapang na manindigan para sa soberanya ng Filipinas.

“Si Commodore Tarriela ay hindi lamang tagapagsalita, kundi isang tunay na Filipino na patuloy na nagpapakita ng tapang sa pagtatanggol ng ating soberanya,” dagdag niya.

Kinuwestiyon din niya si Paglinawan sa patuloy nitong pagbanggit sa umano’y ugnayan ni Tarriela sa retiradong opisyal ng US Air Force na si Ray Powell, na walang basehang tinawag ni Paglinawan na “handler” ni Tarriela — isang hindi makatarungang anyo ng character assassination.

Sa nalalapit na pagdinig ng Tri-Committee ukol sa West Philippine Sea na naka-iskedyul sa susunod na linggo, hinamon ni Tarriela si Paglinawan na dumalo at depensahan ang kanyang mga pahayag sa isang pormal na forum.

Tiniyak ni Goitia na patuloy nilang ibibigay ang buong suporta kay Tarriela sa publiko at handa silang lumabas sa lansangan kung kinakailangan. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …