I-FLEX
ni Jun Nardo
DAMAY na ang petition for green card ni Ai Ai de las Alas sa dating asawa na si Gerald Sibayan dahil ipinare-revoke na ito ng Comedy Queen.
Pati pagiging green card ni Gerald eh babu na sa ginawa ni Ai Ai. Ganti ba ito ng isang inapi?
Ayon sa PEP, kasama sa petition letter for revocation ni Ai Ai eh pabawi sa travel at work permit ni Gerald.
Naku, humanap na lang ng iba si Ai Ai. Sa Afam na lang siya humanap para hindi malaman na sikat siya at may pera, huh!