Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez dahil bulag at bingi raw ang pulisya ng Parañaque sa tangkang ‘pagdukot’ umano sa kanyang Chief Political Affairs na si Paolo  Cornejo noong nakalipas na Marso 25 sa loob ng Starbucks coffee shop.

Sa kabila ng mga reklamo ni Cornejo ay binalewala umano ng pulisya dahil ayon sa pulisya ay walang anggulo na tangkang dukutin si Cornejo ng apat na kalalakihan na nakasuot ng facemask at sombrero, ayon sa salaysay ni Cornejo sa police blotter ng Parañaque Police.

Nang ipakita ang video clip, makikita ang isang lalaki na lumapit sa upuan ni Cornejo, nilapitan sila ng isang lalaki at pilit siyang pinalalabas ng coffee shop. Tumayo naman si Cornejo at sumilip sa glass door ng coffee shop, ngunit dahil umano nakaramdam siya ng hinala ay hindi siya lumabas ng coffee shop. Pero, bigla na lamang lumabas ng coffee shop kasunod ang tatlo pang kalalakihan at nagsitakbo sa kanilang getaway car.

Ayon sa pulisya, walang kaguluhang nakita sa loob ng coffee shop st hindi naman puwersahang binitbit si Cornejo kaya walang pruweba umano ng tangkang pagdukot.

Kaugnay ng nasabing pangyayari, mariing binatikos ng nayoralty candidate ang pamunuan ng PNP sa lungsod dahil naging bulag at bingi ang pulisya sa reklamo ni Cornejo.

Hindi man deretsahang sinabi ni Mayora Ailyn na politika ang nasa likod ng insidente, posible umano na puwedeng mangyari dahil si Cornejo ang kanyang chief of political affairs habang siya ay tumatakbong alkalde ng lungsod para sa May 12 local elections.

Sa aking opinyon, bilang mahigit dalawang dekadang police reporter, walang nakitang pagpilit kay Cornejo na tangka siyang dukutin. Si Cornejo ay nagbigay ng kanyang pahayag sa pulisya na siya lang ang nagsasabi nang walang testigong nagsasalita, at natural na blanko ang pulisya sa pangyayari dahil walang testigo at walang nakarinig.

Hindi natin maiaalis sa isipan ng tao na gawa-gawa lang ang kuwento dahil alam ng taongbayan na si Mayora Ailyn Olivarez ay katunggali ni Parañaque Congressman Edwin L. Olivarez na magiging kapalit ng nakababatang utol na si Mayor Eric L. Olivarez na ex-husband ni Mayora Ailyn.

Kayo mga Parañaqueños, totoo ba ang kuwento ni Cornejo? O kuwentong barbero lang?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …