I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMAKI sa nanay at kapatid na babae si Jojo Mendrez kaya malambot at maliit ang boses. Pero hindi naging hadlang ang mga ito para hindi niya maabot ang tagumpay bilang singer at ngayon ay tawaging Revival King.
Pero hindi lang revival ng OPM songs ang kayang kantahin ni Jojo dahil sa launching ng bagong single, isang original song na gawa ni Jonathan Manalo ng Star Music ang ipinarinig niya sa kantang Nandito Lang Ako.
Bumagay sa boses ni Jojo ang kanta kaya naman habang kinakanta niya ito eh damang-dama ang kanyang emosyon at halos maiyak pa nga siya, huh!
Despite the criticisms, Jojo is here to stay lalo na’t you cannot put a good man down.
Congratulations, Jojo!