Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Dyowa nga ba ng jail warden, kasabwat sa mga katiwalian sa loob ng kulungan?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SINO ang isang JOI FLOR na pinagtsitsismisang dyowa ni Jail Warden ng Pasay City Jail at ang ‘front’ ng mga katiwalian na nagaganap sa loob ng mga selda?

Totoo ba ito Jail Warden Alberto? Si Flor na dyowa mo ang tumatanggap ng mga alak at yosi na ipinapasok diyan sa loob ng kulungan at nagbebenta sa mga preso?

Ang mga alak ay isinisilid sa mga plastic gallon at saka ililipat sa mga bote ng alak na may label na Alfonso at ibinebenta sa mga preso na nagkakahalaga ng P400? Ang sigarilyo kada stick ay P400 din kaya ang mga preso kahit filter na ay hinihitit pa!

Totoo rin ba na kada preso na may dalaw ay naniningil kayo ng P30 na ang tawag dito ay ‘calling’.

Totoo rin ba na kahit hindi mag-asawa ay puwedeng gamitin ang conjugal room kapalit ang bayad na P200 na dapat kapag hindi asawa ay may timbre sa mayores ng bawat selda?

May report din na ang bawat Chinese na nai-turnover diyan sa Pasay city hall para diyan ikulong ay pinag-aagawan ng mga pangkat ng Sputnik at Batang City Jail at ng Cuerno at kung sino ang makapagbabayad ng  P30K  ay sa selda nila makukulong ang ‘alien’ na kadalasan ay turnover ng CIDG Camp Crame?

Dahil ang mga Tsekwa ay mina na puwedeng makatulong sa masasarap na pagkain at ibang pangangailangan ng pangkat na kumuha sa kanya?

Malaya rin daw ang bentahan ng cellphone sa loob ng kulungan at itong si Flor ang umano’y tagabenta sa mga Intsik… Hayyyyy daming raket ha!

Meron ba at malaki ba ang hatag sa Regional Director kaya kailangang gawin ang mga katiwaliang gaya nito?

Nagtatanong lang ako Warden, bato-bato sa langit tamaan huwag magagalit dahil trabaho lang walang personalan.

Bukas ang aking kolum sa mga isyung ito, hindi ko isusulat ito kung wala akong testigo. Walang baho na hindi umaalingasaw.

Dapat malaman ito ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil sakop nila ang gusali ng Pasay City Jail at nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng tulong. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …