Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Firing Line Robert Roque

Patunay ng korupsiyon

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

ANG pagguho ng isang tulay ay eksenang mala-bangungot — at ito mismo ang nangyari sa bagong gawang Cabagan – Sta. Maria Bridge sa Isabela nitong 27 Pebrero.

Isang truck — na hindi kapani-paniwalang overloaded ng 102 tonelada ng mga bato mula sa quarrying — ang tumawid at naging dahilan para bumigay ang tulay na idinisenyo para sa hindi lalampas sa 40 tonelada ang bigat.

               Gumuho ang ikatlong dugtong ng tulay sa panig ng Cabagan, nag-iwan ng nakapanghihilakbot na eksena na kumalat sa social media. Nabasa ko ang mga komento at totoo, sa biglang tingin, nagmistulang nagkalas-kalas na Lego bricks ang tulay na parang hindi kapani-paniwala — halos katawa-tawa.

Pero hindi ito isang bagay na dapat pagtawanan. Lubhang delikado ang biglaan at nakatatakot na pagguho ng tulay at sinuwerte nang nakaligtas ang anim na kataong nasugatan sa insidente.

Ang issue rito para sa ating mga Filipino ay iyong hindi ito simpleng aksidente lamang, kundi isa na namang patunay kung gaano nako-corrupt at palpak ang kalidad ng mga pampublikong estruktura sa ating bansa.

Ito ang kabuuan ng ating pinakakinamumuhiang problemang panlipunan, direktang epekto ng korupsiyon — kung saan nagpapatong-patong ang pandarambong ng pondo, mahinang klase ng construction materials, at kawalan ng tamang monitoring kaya nauuwi sa mga trahedya.

Ilatag natin ang mga detalye: Sumailalim ang tulay sa retrofitting, nagkakahalaga ng P1.22 bilyon, upang gawin itong mas matibay, pero ayun nga at biglang gumuho. Ang paglalarawan dito ni ACT Teachers Rep. France Castro bilang “alarming” ay isang understatement, bagamat sapat iyon para kumilos siya at ipanawagang imbestigahan ng Kamara ang insidente.

Hindi ito isang isolated case. Gaya nga ng ipinunto ni Rep. Antonio Tinio, ang pagpalya ng mga bagong gawang proyektong impraestruktura ay isang eskandalong paulit-ulit na nangyayari sa ating bansa. Nangyayari ito dahil sa sistematikong korupsiyon at palyadong pangangasiwa, kaya naman paulit-ulit na lang ang eksenang ganito, habang bilyon-bilyong piso ang nasasayang

Nag-iimbestiga na ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na para bang nagulat pa sila sa nangyari. Pero paano nga bang ang isang tulay, na ginastusan ng mahigit isang bilyong piso, at pinatibay ng retrofitting ng panibagong isang bilyon pa, ay gumuho na lamang nang ganoon? Sumali na rin ang Bureau of Design at Bureau of Construction, na para bang hindi obvious ang kapalpakan sa panig ng engineering. Samantala, mahimbing pa rin sa pagkakatulog sa pansitan ang lokal na pamahalaan at ang building officials nito.

Heads must roll, pangako ni President BBM, pero linawin natin ito: “heads” — hindi kung sino lang na fall guys. Ang ganito kalalang korupsiyon ay hindi lamang sa ilalim namamayagpag; nagsimula ito sa itaas, sa bawat kamay na pumirma sa mga pinalobong kontrata at sa bawat mata na nagbulag-bulagan sa substandard na pagawain. Kung palulusutin lang ito ng Kongreso at ng Ehekutibo, malinaw na parte sila ng kabulukan.

Sa seryoso at malalimang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga nasa likod ng trahedyang ito, dapat kasuhan ng pandarambong at economic sabotage ang mga may kasalanan para makulong.

                                                            *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …