Friday , May 16 2025
Ang Bumbero Pilipinas ABP Fire Prevention Month

ABP lalahok sa Fire Prevention Month celebration ngayong Marso

KAAKIBAT ng masidhing adhikain na “PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS”, nakikiisa ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa buong buwan ng Marso.

May tema ang pagdiriwang na ” Pag -iwas. Sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”  “ PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS !!!” Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa ibat-ibang lugar sa bansa.

“Kailangang magkakabuklod ang bawat Pilipino sa pagtugon na may sapat na kaalaman at kahandaan sa mga kalamidad” ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep Goitia”.

Sa mga isinasagawa naming pagbisita ay itinuturo ng grupo ang emergency response drill at tamang paggamit ng fire extinguishers diin ni Goitia.

“Mas ligtas pag palaging handa .Ang ABP at ang mga miyembro nito ay walang takot at walang sawang magbibigay ng serbisyo kahit anong oras. Handang rumesponde sa lahat ng emergency” ayon pa kay Goitia.

Layunin ng ABP na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers na makapagbigay ng serbisyong walang kapantay sa pagsagip ng buhay.

Itinuturing na isang “apostolic work” ang ginagawa ng mga ito dahil sa nakaambang panganib at maaring ikapahamak at ipagbuwis ng buhay sa pagresponde sa mga sakuna partikular ang sunog madamdaming sinabi pa ni Goitia.

Kaugnay nito layunin ng ABP partylist na ipaglaban ang pagkakaroon ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito dahil sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng mga itinuturing na mga bayani ng sunog.

Sa sunod -sunod na suporta na kanilang natatanggap naniniwala si Goitia na patuloy aangat pa ang ABP sa mga surveys at makakapasok sa Top 10 ang ABP dahil sa mabuting layunin ng party list ang makabuluhang adhikain upang gawing ligtas ang Pilipinas.

Matatandaang umakyat sa pang labing apat na pwesto ang ABP na kinabibilangan ni Ka Pep Goitia, Lenin Bacud, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga sa isinagawang survey mula Pebrero 11-14 ng Tangere samantalang nasa Top 24-25 naman sa Octa Research isang mapagkakatiwalaang non-profit , independent public research organization.

Matibay ang kompyansya ko na magtatagumpay kami dahil sa suporta ng mga Pilipino na naniniwala sa kasabihan ng mga matatanda na Manakawan ka na , huwag ka lang masusunugan” diin ni Goitia. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …