Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
HINDI lang sa balitang nasyonal nagsusulputan ang mga fake news sa social media, maging sa lokal ay nangyayari na rin gaya sa lungsod ng Pasay.
Kumakalat sa social media at mga tarpaulin na isinasabit ang mga pangalan ng may walong konsehal na tatakbo sa May 12 local elections na totoong nasa partido ng magkapatid na Cong. Tony Calixto at Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Sa District 1, sina Ambet Alvina, Atty. Ding del Rosario, Marlon Pesebre ay pawang Lakas – CMD Party at nakipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas,
samantala sa partido naman ni Mayora Emi Calixto sa Distrito 2 ay sina Khen Magat Yuyu del Rosario at Ian Vendivel.
May nagpapakalat ng fake news na ang mga binanggit na konsehal ay katiket ng mahigpit na kalaban na mahigpit na pinabubulaanan ng mga binanggit na konsehal.
Talaga sa politika, maraming maruming propaganda na nagpapalito sa mga botante.
Nais iparating sa kaalaman ni Mayor Emi Calixto-Rubiano at Cong. Tony Calixto na huwag paniwalaan ang mga fake news sa lungsod ng Pasay.
“Kami na binubuo ng Alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS-CMD ay hindi bibitiw sa mga Calixto, pahayag ng mga konsehal.
Kaya taongbayan at mga botante ng lungsod, bukas daw ang tanggapan ng mga konsehal para sa mga katanungan.