Wednesday , April 2 2025
AGAP Partylist ASF Vaccine Pig

Libre/Subsidized ASF vaccine hiling ng AGAP Partylist

NATUWA ang samahan ng mga magbababoy partikular ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist sa mabilis na tugon ng pamahalaan sa kanilang inilahad na mga suliranin nitong nagdaang Quinta Committee hearing kaugnay ng mga hamon na nakaaapekto sa sektor ng agrikultura gaya ng malaking problema ng mga magbababoy sa kakulangan ng bakuna partikular ang kahilingan na magkaroon na ng commercial use ang ASF vaccine.

Ayon kay AGAP Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones, sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na maaaring magkaroon ng go signal ang commercial vaccination laban sa African swine fever (ASF) sa Abril.

Aniya, sinabi ni DA ASec. Arnel de Mesa, target ni Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., na sa unang linggo ng April posibleng mayroon nang commercial approval ang AVAC vaccine ng Vietnam.

Hinikayat ng AGAP Partylist ang pamahalaan na ilibre o i-subsidize ang bakuna laban sa ASF para sa alagang baboy ng backyard hog raisers.

Binigyang-diin ni Rep. Briones, hindi kakayanin ng maliliit na magbababoy ang P12,500 kada bote ng AVAC vaccine na mayroong 50 doses.

“Mahalagang ilibre o i-subsidize ng gobyerno ang bakuna para rito,” ayon kay Briones.

Aniya, kung hindi ito gagawin ng pamahalaan posibleng hindi na magpabakuna ang mga backyard raisers ng kanilang mga alaga kaya’t namemeligrong kumalat pa rin ang ASF sa bansa.

Giit ni Cong. Nikki, importanteng mabakunahan kaagad ang 6.3 milyong piglets hanggang fatteners upang masugpo ang nasabing sakit.

Samantala, ipatutupad na ng DA ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa karne ng baboy ngayong Marso sa gitna ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

Kaugnay nito, ipinanawagan ni Briones, unahin  ang pagpataw ng MSRP sa mga imported na karneng baboy bago ang lokal na karneng baboy dahil kusang bababa ang presyo nito kung magiging 200/kg ang presyo ng imported na karneng baboy.

“Kung magpapatupad ng MSRP sa presyo ng lokal na baboy dapat mayroong minimum farm gate price upang hindi malugi ang magbababoy. Kung bababa sa minimum na FGP, kailangan magbawas ng importasyon ng baboy at magtaas ng taripa na ipapataw sa imported na baboy,” wika ni AGAP Partylist Rep. Briones.

Ikinatuwa ni Briones ang pag-convene ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga implementing agencies ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council.

Sa ganitong paraan, giit ni Briones, magiging maayos at epektibong maipapatupad ang batas laban sa mga ilegal na gawain tulad ng smuggling, hoarding, profiteering, at kartel sa agricultural products.

Ito ang batas kung saan si Agap Partylist congresssman Nikki Briones, ang principal sponsor at author ng Anti-Agricutural Economic Sabotage Act.

“Kailangan natin ng maunlad na magsasaka para sa mura, de kalidad at sapat na pagkain ng pamilyang Filipino,” pagwawakas ni AGAP Rep. Briones.

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …