Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

PRRD sa 2028 presidential elections?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SAKALI hindi ma-impeach si Vice Presisdent Sara Duterte, plano ng dating Pangulo na tumakbong Pangulo ng bansa sa taong 2028.

Kalipikadong tumakbong muli ang dating Pangulo ayon kay Davao del Norte First District Pantaleon Alvarez dahil hindi saklaw ng constitutional ban si  dating Pangulong Duterte dahil hindi siya re-electionist.

Ani Alvarez, sinasabi sa Saligang Batas na bawal tumakbo ang isang kandidato na katatapos lamang ng termino kaya qualified si PRRD na muling sumabak sa 2028 national polls.

Ang tanong, kaya pa ba ng kalusugan ni PRRD? Nakikita natin sa social media na hirap na siya maglakad at ang malakas lang sa kanya ay kanyang boses. Kung noon nagagawa pa ni PRRD na mag-ikot para tingnan ang sitwasyon sa panahon ng kalamidad baka ngayon hindi na ito makaya ng dating Pangulo dahil sa mahinang kalusugan.

Sa aking opinyon “huwag na” dahil baka tuluyan nang humina ang katawan ng dating Pangulo dahil stressful life ang papasukin niya. Mas mainam na magpalakas na lamang siya lalo pa at mainitin ang kanyang ulo.

Noon, oo nakakuha siya ng 32-M boto. Baka ikahina ng kanyang kalusugan na marami nang bumitaw ng suporta sa kanya, dahil dito lang sa Metro Manila ay marami nang ayaw sa kanya.

Kayong nag-uudyok sa dating Pangulo na muling  tumakbo sa 2028, ‘sira rin mga ulo ninyo.’

Gusto ninyong mamatay si PRRD, hindi suporta ang ibinibigay n’yo kundi maagang kamatayan.

Likas na yata talaga ang yabang ng dating Pangulo. Sabi naman ng iba, mahirap kausap ang may sayad.

Kapansin-pansin din na namana ni VP Sara ang ugali ng kanyang ama.

Ewan ko kung muli kayong magtatagumpay. Baka sa biyahe pa lang sa kampanyahan, bumagsak na katawan ni Digong. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …