Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

SOCE ng mga kandidato bubusisiin ng COMELEC

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HETO na, tuwing eleksyon lagi na lang sinasabi ng Comelec na hihigpitan sa patakaran ang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga kandidato sa panahon ng kampanyahan.

Ngayon pa lang ubos na ang mga kandidato sa rami ng humihingi ng tulong!

Take note ha, idedeklara ba ‘yung gastos sa vote-buying? ‘Wag na sana pakialaman ito ng Comelec.

Sa rami ng solicitation na natatanggap araw-araw gayong mahigit dalawang buwan pa ang araw ng kampanyahang idedeklara ng Comelec.

Lalo ngayong summer time, nandiyan ang panggastos sa mga outing ng iba’t ibang organisasyon, mga larong basketbol etc.

Sabi nga kung wala kang pera ‘wag ka na kumandidato! Ang masakit tinulungan mo na, manghihingi pa rin sa kalaban!

Pagkatapos, aakusahan na corrupt ang ibinotong kandidato kung hindi pagbibigyan.

Walang katapusang solicitation ang hahanapin ng mga kandidato kahit tapos na ang eleksyon!

‘Pag nanalo at naupo sa puwesto ang isang kandidato, tuloy pa rin ang paghingi ng tulong ng constituents.

May programa na si meyor na libreng ospital, libreng libing, gusto bigyan pa ng abuloy.

Kaya ‘yang SOCE na ‘yan, isang malaking kalokohan. Kawawa ang mga kandidato na karapat-dapat manalo pero walang sapat na salapi, tarpaulin lang sponsor pa.

Dahil mga ‘bobotante’ na puro hingi ang may kasalanan  kapag ‘di napagbigyan, sigurado hindi ka iboboto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …