Monday , March 17 2025
Kathryn Bernardo Joshua Garcia TNT

Kathryn, Joshua pinasaya masusuwerteng TNT KaTropa

MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang masuwerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn Bernardo at Joshua Garcia bilang bahagi ng TNT Paskong Panalo promo.

Kabilang sa mga nanalong subscriber na nag-register lamang sa kanilang mga paboritong TNT promo ay sina Benjie Carpio mula sa Pasig City, Gelica Gemina ng Quezon City, at Ophelia Dantes ng Tarlac. Hindi nila akalain na ang kanilang  mga raffle entry ay magdadala sa isang pananghaliang puno ng masasayang kwentuhan kasama si Kathryn.

“’Di ako makapaniwala na nasa harap ko si Kathryn! Sobrang na-appreciate ko po itong experience,” ani Gelica, 34, isang BPO employee at TNT subscriber ng mahigit 14 taon.

Cloud 9 po talaga ang feeling. ‘Di ko rin in-expect na sobrang friendly at sobrang wise ni Kathryn. Worth it po talaga ‘yung puyat ko,” ani naman ni Ophelia, 29, na dumiretso pa mula sa kanyang panggabing trabaho.

“Kinabahan po ako at ‘di talaga makapaniwala,” sabi naman ni Benjamin, 34, na umupo sa harap mismo ni Kathryn sa buong session. “Napaka-humble at napakabait niya at sana hindi siya magbago.”

Bilang TNT KaTropa, game naman si Kathryn na nakipag-kuwentuhan tungkol sa kanyang karera at personal life at nagbigay din ng mga payo sa mga nanalong subscriber.

Sinabi naman ni Kathryn, “‘Di kami lumaking expressive. Pero ngayon na may pamangkin na ako, we’re trying our best to say words of affirmation as much as possible. We learned that it’s important to say ‘I love you, thank you, and I’m sorry’ to children.

Also, please don’t forget to take good care of yourself. ‘Wag niyong pabayaan ang sarili niyo dahil marami kayong iniintindi,” payo niya sa tatlong KaTropa.

Samantala, dalawang mapalad na subscriber naman ang nagkaroon ng pagkakataong mas makilala ang kanilang iniidolo na KaTropa na si Joshua. Sila ay sina Najer Basser, 37, ng Iloilo City at Roselyn Ricorte, 30, ng Pagadian City.

Akala ko po talaga ay scam lang to noong una, kaya sobrang saya ko po nang nakita ko si Joshua. Maraming salamat po sa TNT, hindi ko po ito malilimutan,” kuwento ni Roselyn, na pansamantala munang isinara ang sari-sari store ng isang araw para lumipad pa-Maynila at makita si Joshua.

TNT lang po talaga ang load na ibinebenta ko sa may amin sa Pagadian kasi ‘yun po ang malakas ang signal,” dagdag niya.

Si Najer naman, na tindero ng mga tsinelas at sandal sa palengke, ibinida ang kanyang hindi malilimutang karanasan. “’Yung pamilya ko naman, gustong makipagpalit sa akin para ma-meet si Joshua Nagpapasalamat ako sa TNT kasi ‘di ko in-expect na mangyayari ito,” kuwento niya.

Bigla naman naisipang isorpresa ni Joshua ang mga kaanak nina Roselyn at Najer. “I-video call natin sila para maniwala sila,” ani Joshua, dahilan para siya ay pagkaguluhan ng mga pamilya ng mga KaTropa.

Maraming salamat po dahil bumyahe pa po kayo ng malayo just to spend time with me. I really appreciate your time,” sabi ni Joshua, na nagkuwento rin tungkol sa mga karanasan niya bilang Batangueño na nakipagsapalaran sa Maynila.

“Na-overwhelm ako noon sa mga building at sa dami ng pwedeng gawin dito. Pero ngayon, mas na-appreciate ko na ‘yung katahimikan sa probinsiya,” giit niya.

Nagbigay din siya ng payo para sa dalawang TNT subscriber: “Siguro pareho lang sa  payo sa akin ng tito kong pari – maging mabuti at magtrabaho ng marangal at walang tinatapakang ibang tao.

“Naniniwala rin po ako na darating ang success ‘pag nagsusumikap at kumikilos tayo,” dagdag pa ni Joshua.

Bukod sa hindi malilimutang bonding kasama sina Kathryn at Joshua, nagbigay-saya rin ang katatapos na TNT Paskong Panalo promo sa limang mapalad na grand winner mula  North at Central Luzon, NCR, South Luzon, Visayas, at Mindanao, na nagwagi bawat isa ng nakakapagpa-bagong buhay na P1-M.

Ngayong ika-25 na anibersaryo ng TNT, mas kapana-panabik pa ang mga sulit na data offer, promo, at ‘di matatawarang karanasan para sa mga KaTropa saan man sa bansa, katuwang ang pinakamalakas nitong mobile network.

About hataw tabloid

Check Also

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Ruffa Gutierrez Anna Magkawas Luxe Skin Glowtion

Ruffa proud sa edad na 50

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AY naku, usapang ganda na lang tayo dahil pumirma si Ruffa Gutierrez ng …

Joel Cruz Coco Martin Dingdong Dantes

Coco at Dingdong target ni Joel Cruz na gumanap sa kanyang biopic

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang tinaguriang The Lord of Scents na si Joel Cruz para isa-pelikula …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …