Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes Christopher Roxas

Gladys mahirap pantayan, tumatak na bilang bida-kontrabida

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TRULY! Maituturing na Darlingsof the Press ang power couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Dahil napakalaki ng pagpapahalaga nila sa members ng media, lalo na ang mga nakasama nila sa mula’t mula. 

Kapanabayang lumaki kumbaga sa mundo ng showbiz.

Kaya naman in her journey to. wherever she is now, Gladys and Christopher makes it a point na magbalik ng blessing nila lalo na sa mga nakatulong at nakaagapay nila sa maraming taon.

Inuulan kasi ng dating ng endorsement ang mag-asawa. Kaya naman nagagamit din nila ito sa mga negosyong sinimulan. Gaya ng That’s Diner (isa sa apat) sa Brickroad sa Sta. Lucia Mall.

Inanyayahan ng mag-asawa sa isang tanghalian ang ilang members ng media para ipatikim ang specialties of the house na sari-saring luto ng Bulalo na si Christopher ang  gumawa bilang isang chef.

May mga pakulo na rin sa nasabing establisimyento kada araw na bukas mula 10:00-12 midinight.

Kaya masayang-masaya ang bida-kontrabida at nagsisimula pa lang ang 2025, ang Year of the Wood Snake ay may mga proyekto na siya sa Netflix (na ‘di pa pwedeng i-disclose) at serye sa GMA-7. 

Kaya naengganyo na rin siya na magkaroon ng sarili niyang vlog, ang Glad to Be with You!

Hindi nagdiriwang ng Pasko, Bahong Taon maski Valentine’s Day ang mag-asawa bilang mga miyembro ng INC (Iglesia Ni Cristo).

Pero sa 31 taon ng pagsasama nila, nagamayan na nila ang paraan upang mapanatili ang sangkap na bumubuo sa masaya at maayos nilang pamilya.

Ginagabayan ng sampalataya nila sa Panginoon ang pamilya nila. Kaya anuman ang biyayang tinatanggap nila ay ibinabahagi rin sa mga mahal nila sa buhay.

Ano pa ba ang hihiljngin ni Gladys? Pagdating sa karera niya bilang artista, tried and tested na sa pgiging mahusay niya ito.

Bida o kontrabida, iba ang tatak Gladys sa TV at pelikula. May sumunod man, hindi agad siya mapapantayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …