Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Luxe Beauty and Wellness

Marian sa paghingi ng tulong sa siyensiya: Turok? Hindi muna

RATED R
ni Rommel Gonzales

USO sa mga artista at celebrities mapa-babae man o mapa-lalaki ang “humingi ng tulong sa siyensiya” para mas bumata, mas gumanda o mas gumwapo, at ito ay sa pamamagitan ng surgery o pagpapaturok.

At nang matanong si Marian Rivera kung handa na ba siya sa mga ganitong klase ng proseso…

Turok? Hindi muna ako open sa ganyan, hindi muna.

“I mean, okay ako with the machines and everything, pero ‘yung ganoon (surgery), medyo takot ako sa ganyan pa.

“Pero hindi ko kinu-close ang sarili ko riyan kasi malay mo, after 60 years old mo kailangan mo pala, why not?”

Inihayag ni Marian ang kanyang suporta sa mga taong mas gusto ang ganoong klase ng pamamaraan upang mas ma-improve ang itsura at kompiyansa.

Kaya sinasabi ko palagi, hindi ako kumokontra sa mga kababaihan o kalalakihan na gustong maging kompiyansa sa mga sarili nila kaya gusto nila gawin ‘yun.

“Pero ‘yun lang, kailangan talaga is piliin nating mabuti kung sinong pagkakatiwalaan natin.”

Vocal si Marian sa pagsasabing malaki ang tiwala niya sa businesswoman at beauty expert na si Anna Magkawas. “Ang maganda kasi kay Ms. A… alam natin na siya ‘yung may-ari nitong Luxe Skin.

“At the end of the day, boss ko siya.

“Pero siya ‘yung tipong boss na alam mo na hindi ipararamdam na boss siya.

“At every time na may gagawin ka for the product, sobrang thankful at naa-appreciate niya ‘yun. Sobrang down to earth.

“Ito ‘yung mga masarap makatrabaho na nagiging pamilya mo.

“Dahil ‘yung pagmamahal niya is not just because ambassador ka, endorser ka.

“Kumbaga nandoon ‘yung parang personal love niya sa iyo.”

Pangalawang taon na ni Marian sa Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna bilang celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel.

Sa contract renewal ni Marian, dumalo sina Jacqui Cara, Triple A Management Head of Operations and Sales, Triple A President and CEO Mike Tuviera, at Jojo Oconer, CFO and COO of Triple A.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …