Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jamela Villanueva Gayle Oblea Dr Camille Ampong Dental Essentials Clinic

Jam nagpa-therapy, kumonsulta sa eksperto

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Jamela Villanueva o Jam ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na naging kontrobersiyal nitong nakaraang December dahil sa mga naging rebelasyon tungkol sa sitwasyon nilang tatlo nina Anthony at Maris Racal.

Ano ang nagtulak kay Jam para ihayag niya noong Disyembre ang mga nangyari sa kanila nina Anthony at Maris?

Ang nagtulak sa akin is… ah siguro po na-push lang din talaga ako kasi maraming nangyari.

“I’m just a normal person po. So I don’t have anyone to defend me so, ayun po.

“And ang hirap din po kasi kapag like parang you’re constantly judged by the people kahit alam mo naman na nasa iyo ‘yung truth, parang ganoon.”

Paano niya kinaya at na-handle ang mga nag-judge at nam-bash sa kanya?

Therapy po,” ang natatawang pag-amin ni Jam.

Yes po, nagpa-therapy ako siguro for a few months talaga po, iyon talaga po ‘yung nakatulong sa akin.”

May eksperto raw siyang kinonsulta.

Yes opo kasi with my heart problem din po kailangan talaga may expert.”

Sumailalim si Jam sa open heart surgery noong anim na buwan pa lamang siya dahil sa problema sa puso.

Kung sakaling ang mga taong nakasakit sa kanya ay lalapit at hihingi ng tawad, patatawarin ba niya?

Opo naman! Sabi nga nila Diyos nga nagpapatawad, ‘di ba?”

Ano na ang pinakamasakit na bashing ang natanggap niya?

“Ako po kaya pumitik noon is because nadamay na talaga ‘yung family ko. Which is dalawa na lanag kami ng kapatid ko and idinamay nila ‘yung kapatid ko.

“Even my parents na up there na, iyon po talaga ‘yung disrespect na I can’t take.

“Like ‘yung kapatid ko po kasi nagko-cover siya sa Spotify, may gig-gig siya or something, eh parang ano po… I even received death threats po, ha?

“Yes, marami po talaga, pati sa kapatid ko, like sana… ang harsh! like, ‘Sana mamatay na kayo ng kapatid mo!’

“Blah-blah-blah, ‘Karma babalik sa inyo ng kapatid mo!’

The hardest part is sinasabi nila na very, disgrace ako sa parents ko, like hinihimas na raw nila ‘yung puntod nila kasi nga sa ginawa ko raw po.”

Parehong kanser ang ikinamatay ng mga magulang ni Jam. Ang kanyang ama noong 2015 at ang kanyang ina nitong 2020.

Samantala, ayon sa marketing director ng Ampong Dental Essentials/Clinic na si Gayle Oblea, pinili nila si Jam na maging endorser 

dahil sa tatlong factors: isang tao na makapag-embody ng new beginning; isang tao na makakapagpakita ng self-worth; at isang tao na may koneksiyon sa mga tao sa kanyang paligid.

Ang Clinic (ng dentistang si Dr. Camille Ampong) ang pinaka-unang endorsement ni Jam kabilang ang mga produktong toothbrush, whitening toothpaste, pen at strips, at marami pang iba.

Nabibili ang mga ito online at sa mismong clinic nila sa Makati, Quezon City, at Mandaluyong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …