Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic Rodriguez ‘barado’ kay BBM

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BINARA ni Pangulong  Bongbong Marcos ang hamon ng kanyang dating Executive Secretary Vic Rodriguez na sumailalim sa hair follicle drug test, kaugnay ito sa panawagan ni Rodriguez sa constitutional principle na “Public Office is a Public Trust.”

Giit ng Pangulo, walang koneksiyon ang gusto ni Rodriguez sa follicle test.

Ayon sa Pangulo ang “public trust” ay walang kaugnayan sa follicle test.

Dagdag ng Pangulo, si Rodriguez noong executive secretary pa  ay labis ang kahinaan at panunumbat sa Pangulo. A,y bakit pa siya magtatrabaho sa kanyang administrasyon kung meron palang pagdududa sa kanya?

MULTA VS NUISANCE CANDIDATES

PASADO na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na magpataw ng halagang P500,000 multa sa mga nuisance candidate o ang sinasabing nga kandidato na ‘panggulo’ sa panahon ng eleksiyon.

Sa pamamagitan ng voice voting ay nakapasa na ito sa ikalawang pagdinig ng Kamara.

‘Yan naman ang dapat, para matigil na ang mga wala namang karapatang tumakbo dahil tunay na walang ‘K’.

Ilan sa dahilan ay kapag may parehong apelyido o kapangalan para malito ang mga botante.

Meron naman upang makakalap lamang ng financial assistance sa mga kakilala o kaibigan pero hindi naman ipamimigay kundi pambayad lamang sa mga tarpaulin o leaflets at ang sobra ay ibubulsa.

Hayyyy… kanya-kanyang raket itong mga nuisance candidate!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …