Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Sixto

Marian prioridad kapakanan ng mga anak;  Zia at Sixto ‘di alam sikat ang mga magulang

RATED R
ni Rommel Gonzales

ITINUTURING na isa sa pinakasikat na aktres sa bansa, box-office, at primetime queen ng GMA si Marian Rivera. Subalit ang pagiging ina ng mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia (9) at Sixto(5) ang mas pinahahalagahan niya.

“Okay lang kahit sabihin na stage mom, I don’t care,” bulalas ni Marian.

Nandoon ako sa stage na poprotektahan ko ‘yung mga anak ko hanggang kaya ko at maitutuwid ko kung ano ‘yung nakikita kong hindi okay.

“Basta every night, hindi puwedeng hindi kami nag-uusap ng mga anak ko.

“Siguro ‘yun minsan ang pinakamahirap kasi pagod na sila sa school, eh ang daldal ko pa rin.

“So, kailangan mapiga ko kung ano ‘yung mga nangyayari sa kanila.

“So, ‘yun ang challenge sa akin na kahit na pagod ako, kahit anong ginagawa ko, kailangan mas marami akong time sa mga anak ko.

“Hindi puwedeng, ‘Pagod ako, bukas na.’

“Never akong magpapabukas basta pagdating sa mga anak ko.”

May challenge siyempre ang pagiging isang ina.

Ang pinakamahirap na parte ng pagiging ina, kapag ‘yung mga anak ko pumapasok, mas marami na ‘yung time na nasa school sila.

“So, kailangan, kapag uuwi ng bahay, hindi puwedeng matapos ang araw na hindi ko naha-heart-to-heart talk.

“Alam mo ‘yung kinakausap ko talaga ‘yung mga anak ko kung anong nangyari sa school nila, kung ano ang mga dapat namin na i-improve.

“So, palagi akong involved sa kanila at hindi puwedeng hindi.”

Sa lahat ng pagkakataon ay inuuna ni Marian ang kapakanan ng mga bata kaysa career niya.

Lahad ng aktres, “May isang pagkakataon na mayroon akong endorsement, launching day. Nagkataon na speaker si Zia sa school.

“Sabi ko, ‘Anak, hindi kita mapupuntahan.’

“Sabi niya, ‘Okay, Mama. If you will not go to school, hindi na ako magiging speaker. I will just out myself…’

“Sabi ko, ‘Oh my God! So, pinakiusapan namin ‘yung endorsement, baka puwede nating iusod.

“Naiusod naman dahil lahat naman ng mga ineendoso ko, alam nila talaga na priority ko talaga ang kids ko. So, na-adjust.

“Malinaw sa kanila at sa akin na hindi puwedeng ma-miss ko ang lahat ng activities nila sa school. ‘Yun din ang challenging, ‘yung schedule.”

Ano ang impresyon kay Zia na ang mga magulang niya ay mga super-sikat na mga tao sa showbiz industry?

Alam nila kung ano ang trabaho namin, pero ayaw naman namin i-implement kung sino kami.

“At para sa amin, hindi naman mahalaga.

“Ang mahalaga sa amin ay ‘yung brands na nagtitiwala sa amin, ‘yung pagmamahal namin sa trabaho, at kung paano kaming mga magulang para sa mga anak namin.

“Siguro bonus na lang kung may makita silang, ‘Mom, I saw your billboard up there.’ ‘Kamukha ko lang ‘yan’” at natawa si Marian.

Itini-treat lang namin as a joke, pero malinaw sa aming mag-asawa na hindi na kailangang malaman ng mga anak namin kung anong klase kaming mga artista.

“Basta ang sinasabi namin, ‘Marangal ang trabaho namin. Proud kami sa trabaho namin.

“‘Dahil sa trabahong ito, nagkakilala kami. Dahil sa trabahong ito, nag-aaral kayo ng kapatid mo.'”

Speaking of brands, muling pumirma si Marian ng kontrata, sa ikalawang taon, sa Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna Magkawas bilang celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel.

Present sa contract renewal ni Marian sina Jacqui Cara, Triple A Management Head of Operations and Sales, Triple A President and CEO Mike Tuviera, at Jojo Oconer, CFO and COO of Triple A.

Samantala, sa naturang contract signing ni Marian ay kapansin-pansin ang maigsi niyang buhok.

At kalimitan kapag nagpagupit o nagpaigsi ng buhok ang isang artistang babae, iyon ay may kahulugan, kundi may malaking proyekto ay buntis.

At sa tanong kay Marian tungkol dito, ang sagot niya ay. “I am so in love. I am super in love!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …